Wednesday, March 10, 2010

The MOT (Moment of Truth)

Isang chumembular sa aking pagka-beki..

Lahat ng baklut ay may MOT (moment of truth). Itey ang eksenang ii-ispluk mo sa sarili mo na- ay,sure na! Beki akik! In short, acceptance.

I've always believed that being a beki is a lifestyle..Kaya nga may baklang-bakla, mejo bakla, mukhang bakla. Kumbaga, whatever fits you.. Yung iba, bet ang mujer- mujeran..yung iba naman, nagpapaka-discreet. Kebs lang naman kung anung bet mong ganap, importante..shonggap mo sa sarili mo ang pagkatao mo..at yan, nag-moment of truth ka na.



After HS graduation ako nag MOT. Learn ko naman na bagets pa lang akik e, umaalingasaw na ang matris ko..Pero, super hide dahil baka di maonggap ng family. Actually, til now naman e di pa din naman ako masyadong nagpapahalata sa amin.

Ang MOT ko was triggered by one minchin.One minchin daw o! (lolit solis mode)

I attended a seminar and I met him there. Dalawa kaming baklut sa grupo that time. Yung isa, medyo alam na ng buong Asia na baklut sya..Akik, mejo street pa lang namin..To cut the long story short, nainlababo watashi sa minchin na itey! Minolang-minola kasi ang aura! Basta, betchina ko sya ng bonggang-bongga that time!

Ang kaso mo, dahil nga was naman akik sa pagka-out, parang di ko naman maipabatid sa kanya ang inililihim kong pag-ibig..( Meee ganun?! ) At ditey na nga may I enter ang aking MOT! Spluk ko sa sarili ko: Ay, stop na ang IC ( identity crisis,mama!).. Beki nga ako,sure na..(Feeling ko kasi that time, awkward naman na minchin ang eksena ko tapos bet ko sya..Parang di naman tama..At least, kung ma-learn nya na baklut pala ako, baka OK lang sa kanya kung tipelya ko sya.)

Parang nagpalakpakan ang mga fairy godmother ko..Finally, may acceptance na sa sarili ko ng buong-buo na di nga ako straight.BADIKLA AKIK! (Obvious naman di ba?Salita pa lang!hahahaha!)

Ending, di din naman nagmaterialize si love,love,love kay minchin..pero chika lang naman! Isang monumental history sya ng pagkabaklut ko dahil sya ang nagbigay ng isang bonggang bonggang dahilan para shonggapin ko sa sarili kik, kung anik ba talaga watashi!

Sa ngayon, ay friendship pa din naman kami ni minchin na ishoshogo naten sa pangalang BIGAMY! hahaha..Di na ako umaasang magiging kami..mahigit sampung taon naman na din yun..Importante, we continued being friends at happy na akik dun..

Yun na!

Galing ditey ang mocture

Badessa Mae

No comments:

Post a Comment